GARY GRANADA

- Ang Aking Kubo Lyrics

Ang aking kubo sa tabindagat
Dingding ay pawid, bubong ay nipa
Sa palibot may mga halaman
At bakod na gawang kawayan
Gayak ng kubo ay kalikasan
Ang kabukiran, ang buwan at bituin
Pinapayungan ng punongkahoy
Iniihipan ng sariwang hangin
Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayrong rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan
Ang aking kubo'y dalampasigang
Sa along tulad ko'y inaasam-asam
Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig
Ganyan ang kubo, ganyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka, minsa'y malulumbay
May pagdiriwang, may kalungkutan
Laging nanunukso (nangungutya) ang kapalaran
May mga sandaling mistulang (akala mo'y) langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig
Sa aking kubo tuwing takipsilim
Lumang gitara'y aking kapiling
Mga awiting di malilimutan
Mga harana at mga kundiman
Ang aking kubong pangkaraniwan
Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahaybahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan
Ganyan ang kubo...
Sa aking kubo'y may paralumang...
Kubong kaylanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig

Watch Gary Granada Ang Aking Kubo video

Facts about Ang Aking Kubo

✔️

When was Ang Aking Kubo released?


Ang Aking Kubo is first released on November 07, 2008 as part of Gary Granada's album "Legends Series: Gary Granada" which includes 13 tracks in total. This song is the 1st track on this album.
✔️

Which genre is Ang Aking Kubo?


Ang Aking Kubo falls under the genre Pop.
✔️

How long is the song Ang Aking Kubo?


Ang Aking Kubo song length is 3 minutes and 43 seconds.
Hottest Lyrics with Videos
d8fc99081295223b87ba948b97c1bab5

check amazon for Ang Aking Kubo mp3 download
these lyrics are submitted by gsba3
Record Label(s): 2008 Ivory Music & Video, Inc
Official lyrics by

Rate Ang Aking Kubo by Gary Granada (current rating: 7.10)
12345678910

Meaning to "Ang Aking Kubo" song lyrics

captcha
Characters count : / 50
Latest Posts