GARY GRANADA


Paano Mahalin Ang Katulad Mo Lyrics

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Na sa tuwi-tuwina'y dala-dala
Nangangamba, nangangamba
Na baka mapahamak ka

Dapat sarilinin ko na lang
Kayrami-rami mong pasan-pasan
Baka lalo ka pang mabibigatan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Ang unti-unting matutunan ko
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Ngunit di ba mas mahalaga
Ang dinggin ka, intindihin ka
Samahan ka sa bawat pasya

Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang
Paano kung ako ay nasasaktan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Paano ba ako makakagaang
Ang unti-unting matutunan ko
Paano ba ako makakatuwang
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo...

Watch Gary Granada Paano Mahalin Ang Katulad Mo video
Hottest Lyrics with Videos
a46a363689cf979a7ad0f32693f4b3d7

check amazon for Paano Mahalin Ang Katulad Mo mp3 download
these lyrics are submitted by mxm4
Record Label(s): 1997 Gary Granada
Official lyrics by

Rate Paano Mahalin Ang Katulad Mo by Gary Granada (current rating: 7.57)
12345678910
Meaning to "Paano Mahalin Ang Katulad Mo" song lyrics
captcha
Characters count : / 50
Latest Posts