Malayo Ka Man
Jr Crown
Malayo Ka Man video

JR CROWN


Malayo Ka Man Lyrics

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Mahal, kamusta ka na?
Mag-iingat ka palagi, 'wag kang mag-alala
'Di man kita makasama ngayon pero hindi 'yun rason
Para ako ay maghanap pa ng iba
Sapagkat ako'y kuntento na, sa'yong-sa'yo lang ako
Ikaw ang kukumpleto sa mundo ko at bumuo
Kaya wala ng dahilan para ako'y magloko pa
Sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya

Magtiwala ka lang, lagi mong tatandaan
Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang
Kahit malayo ka man, makakaasang
Hanggang dulo, 'di ka papalitan

Kaya mahal, magtiwala ka lang
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sayo lang kahit malayo ka man

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo
Baka upang pagtibayin nang hindi na mabigo
Hawak-kamay na kinapitan ang pangakong binuo
Na kailanma'y 'di papatinag sa tuksong mapangbuyo
Mapaglaro si Bathala, susubukin ang tatag
Makasiguro lang na tayong dalawa ay tinadhana
Kakayanin ang lahat, mapatunayan lang
Pagmamahal ko lagi sa 'yo ay tapat

Malayo man ating pagitan sa ngayon, 'wag umiyak
Sapagkat magkakayakap pang muli, 'yan ang tiyak
Palagi kang inaalala sa'n man dalhin ng yapak
Ng aking mga paa, mananatili ang galak
Ang galak na muli kang mahagkan at halikan
Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan
Sa aking pagbabalik, sabay nating dudugtungan
Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Mga araw at gabi na hindi kita katabi
Nakakapanibago, 'di alam kung pa'no
Pa'no ko makakayanan na hindi kita kasama
Ang distansiya natin ay napakalayo
Pa'no 'ko makakadayo?
Kung pagitan natin, libo-libo na espasyo
Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo
Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo

Pero kahit na gano'n pa man
Pakatandaan palagi na andito lang ako
Sa'yo, nag-aantay, nakaabang
Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan
Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo
Tiwala at lubos ko na pagmamahal
Libo mang kilometro agwat sa isa't-isa
Sa aking puso ay mananatili pa ring espesyal

Malayo ka man, mahal, lagi mo tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Kahit malayo ka man, 'di magbabago
Sa'yong-sa'yo lang ang pag-ibig ko, 'di maglalaho
Kaya 'wag kang mangamba at 'wag kang mag-alala
'Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa
Maghihintay ako na muling makasama ka

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man

Watch Jr Crown Malayo Ka Man video
Hottest Lyrics with Videos
c71fa433ce8661395c13825981e3f17c

check amazon for Malayo Ka Man mp3 download
these lyrics are submitted by SPOT1
browse other artists under J:J2J3J4J5J6J7J8

Rate Malayo Ka Man by Jr Crown (current rating: 8.17)
12345678910
Meaning to "Malayo Ka Man" song lyrics
captcha
Characters count : / 50
We use cookies to ensure you get the best experience on our website. You can read more about the new "GDPR" policy here