Anak Ng Sultan
Asin

ASIN


Anak Ng Sultan Lyrics

Sa isang pulo sa katimugan sa isang maharlikang tahanan
May isang binatang pinaparusahan, tanging hangad kapayapaan
Sinaway niya ang kanyang amang Sultan pagka't ang nais niya'y katahimikan
Katahimikan sa kanyang bayang sinilangan
Anak ng Sultan ngayo'y pinaparusahan pagka't duwag daw ng angkan
Higit duwag ba ang tawag sa mga taong ang hangad ay kalayaan
Sigaw ng puso niya'y kapayapaan sa kanyang bayang sinilangan

Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Ako'y nagtataka kung bakit ang magkapatid ay dapat pang maglaban
Ako'y nagtataka kung bakit may taong kapwa tao'y pinapahirapan
Kailan pa matatapos ang paghihirap ng aking kalooban

Magtiis ka muna kaibigan
(At ako'y na buhay dito sa mundo ay di ko maunawaan)
Ang buhay ay di mo maunawaan
(Kailan pa kaya makikita ang hinahanap kung kapayapaan)
Ang lahat ng bagay ay nagdadaan lamang
(Kailan pa masasagot ang lahat ng aking mga katanungan)
Lahat ng kasagutan ay nasa iyong pinanggalingan

Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Watch Asin Anak Ng Sultan video
Hottest Lyrics with Videos
fc47ee1df3aa59d99dc9e957083b5099

check amazon for Anak Ng Sultan mp3 download
these lyrics are submitted by gsba1
browse other artists under A:A2A3A4A5A6A7A8A9A10A11A12A13
Record Label(s): 2004 Vicor Music

Rate Anak Ng Sultan by Asin (current rating: 6.14)
12345678910
Meaning to "Anak Ng Sultan" song lyrics
captcha
Characters count : / 50