Ako'y siga sa may amin, ako'y kinatatakutan
 Lahat ng klaseng trobol ay aking napasukan
 Lahat ng kapitbahay ay aking nakaaway
 Puro sigaw at ingay at ayaw pang magpasaway
 Ako'y siga...nagsisiga-sigaan
 Ako'y siga...nagsi-siga ng dahon
 Meron akong sikretong hindi niyo nalalaman
 Ang bilis tumalilis kapag si misis ang kalaban
 Hindi umuubra ang tigas ko sa kanya
 Tumitiklop, lumalambot, kapag nagagalit siya
 Ako'y siga...duwag ang puso ko
 Ako'y siga...duwag ang puso ko