DAWN


Iisang Bangka Lyrics

Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
Ngunit buo ang puso mo'ng ang daluyong ay susugurin
Magkasama tayong katahimika'y hahanapin

Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin

Chorus 1:
Dahon ng damo, tangay ng hangin
At di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako, nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin
Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin

Chorus 2:
Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin

Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin

Watch Dawn Iisang Bangka video
Hottest Lyrics with Videos
4d90e4ce5657ee153aad7cb15e6f98f7

check amazon for Iisang Bangka mp3 download
these lyrics are submitted by BURKUL4

Official lyrics by

Rate Iisang Bangka by Dawn (current rating: 7.79)
12345678910
Meaning to "Iisang Bangka" song lyrics
captcha
Characters count : / 50
Latest Posts