JIMMY BONDOC


Balang Araw Minette Lyrics

Kahit tulog ka na, Minette
Nakangiti ka pang nakahiga't nakapikit
Naglalaro ba'ng isip mo
Kasama ng mga anino
Nawala sa malay mo na ang masayang araw kanina'y tapos na
Tapos na'ng araw nating masaya

Kaming lahat ay gising pa
Lumuluha kaming nakadilat, nagtataka
Tahimik na si papa
Naiiyak si mama
Nawala sa malay namin na, Minette, ika'y lumalaki na nga
Minette, ika'y lumalaki na nga

Refrain:
Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong gawa sa buhangin

Paggising mo sa umaga
Wag kang magsusumpong
Dahil Minette, mahal kita
Yakapin mo si mama
Kumalong ka kay papa
Inumin mo ang pag-ibig na ang Panginoon ang nagtimpla
Minette, minamahal kang talaga
(repeat Refrain)
(repeat Refrain except last line)

Ang pugad mo...
Ang pugad mo...
Ang pugad mo ay sa puso namin

Correct these lyrics

these lyrics are submitted by BURKUL4


Official lyrics powered by
Rate Balang Araw Minette by Jimmy Bondoc (current rating: N/A)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Meaning to "Balang Araw Minette" song text no entries yet
(*) required
capthca (*) required

Characters count
: (*) min. 100 characters required