JIMMY BONDOC


Tuwing Umuulan Lyrics

Ba’t kaya walang nangyari sa atin
Di ba’t ang pag-ibig natin ay parang kwentong bitin
Kay ganda ng simula tulad ng isang dula
Ba't naiwan ang puso kong tulala

Ba’t kaya walang nangyari sa atin
Di ba’t may naramdaman ka rin sa 'ting unang tingin
Iba man ang mundo mo, iba man ang mundo ko
Sandaling nagsama ang ating puso

CHORUS:
Tuwing umuulan sa loob ng puso ko
Ginagamit kong payong ang alaala mo
Tuwing umuulan sa loob ng isipan
Ginagamit kong silong ang ating nakaraan
At kahit wala ka na
Kay linaw pa ng ‘yong mukha
Kaya’t di na ko nababasa kapag umuulan ng luha

Ano nang mga nangyari sa iyo
Sana ang iyong pagkatao’y di pa nagbabago
Alam kong ang tao ay nagbabago sa pagtanda
Ngunit bata pa sana ang 'yong kaluluwa

Meron pa kayang mangyayari sa 'tin
Kay hirap muli umasa kung umaasa ka rin
Bumaha ma’t bumagyo ika nga ni Santiago
Ay hindi magbabago ang puso ko

[Repeat CHORUS]

[Repeat CHORUS again except last line]

Kaya’t di na ko nababasa kapag umuulan
Kapag umuulan
Kaya’t di na ko nababasa kapag umuulan ng luha

Correct these lyrics

Watch Jimmy Bondoc Tuwing Umuulan video

Official lyrics powered by

Rate Tuwing Umuulan by Jimmy Bondoc (current rating: 10)
12345678910
Meaning to "Tuwing Umuulan" song text no entries yet
(*) required
capthca (*) required

Characters count : (*) min. 100 characters required