Smokey Mountain - Anak Ng Pasig
Related Smokey Mountain Links Smokey Mountain Anak Ng Pasig

SMOKEY MOUNTAIN


Anak Ng Pasig Lyrics

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig
Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ng bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig
Pa-swimming swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo

Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo
Hanggang nakakita ako ng lumang litrato
Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko
Kaibigan ano ang nangyari dito
(Anong nangyari? Anong nangyari?)

Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat
Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag Pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Anak ng Pasig naman kayo
May bukas pa ang ating mundo.

these lyrics are submitted by BURKUL4

Rate this song (current rating: not rated yet)
12345678910
Meaning to "Anak Ng Pasig" no entries yet
(*) required
(*) required

Characters count : (*) min. 100 characters required