Sam Concepcion - Dati

SAM CONCEPCION


Dati Lyrics

[Sam Concepcion]
Dati rati, sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangi't amoy araw ang balat
Naaalala ko pa nun, nagaagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

[Tippy Dos Santos]
Lagi-lagi ka sa amin dumederetso pag-uwi
Naglalaro ng tao-taong, pisong-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang ala-ala.

[Both]
Ikaw ang kasama buhat noon,
Ikaw ang pangarap
[Sam]Hanggang ngayon
[Both]Hanggang ngayon, Oohh...

(chorus)
Sam: Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Tippy: Ako'ng 'yong prinsesang sagip mo palagi
Both: Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

[Sam]
Dati rati ay palaging sabay na magsiesta

[Tippy]
At sabay ding gigising ng alas-quatro imedia

[Sam]
Oh, sabay manonood ng paboritong programa

[Tippy]
O kay tamis namang mabalikan ang alaala, haah..

(repeat chorus)

Bridge:
Dati rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan

Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na kung magkayakap mga bata't magkasama at

[Tippy]
Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah

[Sam]
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga

[Both]
Sana mabalik pang dati nating pagsasama...

Sam: Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Tippy: Ako'ng 'yong prinsesang sagip mo palagi
Both: Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Sam: Ang aking pagtingin
Tippy: Oh, bulong na lang sa hangin
Sam: Pangarap na lang din
Tippy: Pangarap na lang din
Na gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati [3x]
Na gaya pa rin
da-ra-ra-rat-da dati [3x]
Na gaya pa rin ng...
NG DATI.

Correct these lyrics

these lyrics are submitted by fionnah love nick
these lyrics are last corrected by Shaira Janine Gallos

Watch Sam Concepcion Dati video
Watch Video
Rate Dati by Sam Concepcion (current rating: 4.48)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Meaning to "Dati" song text no entries yet
(*) required
capthca (*) required

Characters count
: (*) min. 100 characters required