JANNO GIBBS

Kung Mamahalin Mo Lang Ako Lyrics

Lagi kitang tinatanaw
Lahat ng kilos at galaw
Aking sinusubaybayan, binabantayan
Araw-gabi ako'y saksi
Sa bawat luha at hapdi
Hirap ng iyong dinadala ay nadarama
Kung nalalaman mo lamang
Na ako'y nag-aabang
Ng pag-ibig mo

Kung mamahalin mo lang ako, langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa, pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako, hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Lagi akong nakatingin
Naghihintay na mapansin
Kahit isang sulyap man lang ay tatanggapin
Hanggang kailan magdurusa
Makita ka sa piling niya
Hanggang kailan pagmamasdan ika'y masaktan
Sana ay nalalaman mo
Na may nagmamahal sa 'yo
Heto lang ako

Kung mamahalin mo lang ako, langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa, pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako, hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Oohh...

Ooh yeah

Official lyrics powered by

Rate this song (current rating: not rated yet)
12345678910
Meaning to "Kung Mamahalin Mo Lang Ako" no entries yet
(*) required
(*) required

Characters count : (*) min. 100 characters required