FREDDIE AGUILAR


Anak Lyrics

Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali...

Watch Freddie Aguilar Anak video
Hottest Lyrics with Videos
c7cd8d240b1827d02a1495def6827028

check amazon for Anak mp3 download
these lyrics are submitted by BURKUL4
Songwriter(s): Freddy Aguilar, Aguilar Ferdinand P. Freddie
Record Label(s): 2008 PANARECORD
Official lyrics by

Rate Anak by Freddie Aguilar (current rating: 7)
12345678910
Meaning to "Anak" song lyrics (1 meaning)
michelle December 14, 2011-4:04
0

this is for the son that have done wrong to his parents,hindi nya alam ang mga ginagawa niya,at prang nararamdaman nyang pinag hihigpitan sya ng knyang mag magulang,kya nya naisip ang mag basagulero..
captcha
Characters count : / 50
Latest Posts