GLOC-9


Walang Natira Lyrics

Chorus:
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.

Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit pag-uwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha buri
Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na.

Chorus:
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.

Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino
Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na ito'y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

Chorus:
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Nagaabroad sila aahh
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.

Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko

Chorus:
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira.
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)
Nagaabroad sila.
Gusto kong (yumaman5x)

Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira...

Correct these lyrics

these lyrics are submitted by BURKUL4
these lyrics are last corrected by O LOLS <3 xoxoxo

Watch Gloc-9 Walang Natira video

Official lyrics powered by
Watch Video
Rate Walang Natira by Gloc-9 (current rating: 5.50)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Meaning to "Walang Natira" song text (4 meanings)
O LOLS 08/27/12,04:54
0

umiyak aq kunti sa una ng music video( bago kumanta c Sheng Belmonte) Mama at papa q kc nasa abroad cla at ung lola q nagaalaga samin ng kapatid ko.... This song is very meaningful.
stephanie 10/14/11,23:48
0

mganda ang message ng kantang 2 pti lhat ng knta ni gloc 9 may mensahe sna mbsa 2ng mga kntang gn2 ng mga namumuno sa ting bnza!
geca 07/19/11,00:37
0

LSS n lng lagi! whew! reality bites :) thanks for the great music Gloc 9! ur music had alwys inspired me. Miss ko na ang Pinas!
val de guzman 04/02/11,04:07
0

I really admire gloc 9,the lyrics of hi's songs were very simple but so full of thought provoking insinuations.....
required
capthca required

Characters count
: min. 100 characters