GARY GRANADA


Minsa'y Isang Bansa Lyrics

Minsa'y isang bansa ang nangangarap
Nangarap sa gitna ng karimlan
Makapagpahinga nawa sa hirap
At makawala sa kawalan

Bayang nababalot ng hiwaga
Hindi ka ba namamangha
Lupa na sagana't pinagpala
Bakit naglipana ang dukha

Minsa'y isang bansang nakipaglaban
Nag-alay ng kanyang mga anak
Hangad ang magandang kinabukasang
Tinatamasa ng lahat

Ano nga ba'ng saysay ng Pugad Lawin
Kung ang madla'y aba't mangmang
Ang EDSA ba ay may ibig sabihin
Sa mga tiyang kumakalam

Minsa'y isang bansang nagbayanihan
Upang iahon ang munting dampa
Subali't sa halip na kabutihan
Sa tiwali't digma muling nasalanta

Ako'y nakikiusap sa may kaya
Sa abot ng inyong kakayanan
Ipalaganap ang hustisya
At kalingahin ang sambayanan

Minsa'y isang bansa ang nagsisikap
Na samantalahin ang panahon
Minsa'y isang bansa ang nangangarap
Na sana'y mahalin mo na ngayon

Watch Gary Granada Minsay Isang Bansa video
Hottest Lyrics with Videos
5600d3c253ab04c5acd266889513ab58

check amazon for Minsa'y Isang Bansa mp3 download
these lyrics are submitted by BURKUL4
Songwriter(s): gary granada

Official lyrics by

Rate Minsa'y Isang Bansa by Gary Granada (current rating: 6.50)
12345678910
Meaning to "Minsa'y Isang Bansa" song lyrics
captcha
Characters count : / 50
Latest Posts