DELLO


Araw-araw Lyrics

Lunes ng umaga papuntang opisina
Habang nabibingi sa ingay ng mga busina
Sa gitna ng kalye, habang bumibiyahe,
Sakto lang ang pera pangkain at pamasahe

Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw,
Kailangan ko itong gawin, di pwedeng ayaw-ayaw
Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw
Sana kahit paano, ako ay makahataw

Pursigido'ng umangat, inuunti-unti ko
Matipid na iniipon, ultimo sukli ko
Bilad na nga sa araw ang pagka-kayumanggi ko,
Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko

Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsawan,
Para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan
Kahit na ang aking sweldo parang mens lang
Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan

Tatlong araw lang pala ako nagging maligaya

Chorus 1
Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…
Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…

Pambayad ko sa upa, tubig at kuryente,
Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente
Pagkasyahin kung pwede o meron natira
I-sigang ko yung tuyo, para medyo maiba

Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na,
Sa ganitong estado na mahirap i-manipula.

Bawal ba magpahinga?
Dapat na gawin ko na
Pumasok kahit petsa
Sa kalendaryong maging pula

Kase ay double pay, ganun pag holiday
Kayod kahit mamuti buhok na parang anime

Isipin ang ngayon, yung bukas ay saka na,
Kung bukas ay lagas, o baka maging sagana kaya sana
Medyo mag-iba ang kapalaran
Mapanatag ang lubak sa daa'ng nilalakaran

Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina,
Paulit-ulit ang mga larawan

Chorus 1
Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…
Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…

Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa,
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala

Bisyo ko na yata ang palagi'ng humiling
Mula pagsikat g umaga, hanggang sa dumilim

Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa,
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala

Bisyo ko na yata ang palagi'ng humiling
Mula pagsikat g umaga, hanggang sa dumilim

Pero pagsapit ng gabi, lumiliwanag nang muli
Basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti
Inaalis mo ang lungkot, ang pagod ko at pighati
Pinawi mo ng kay dali kaya...

Chorus 2
Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki.
Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi.
Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki.
Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi.
Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki.
Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi.

Correct these lyrics

Watch Dello Arawaraw video
Hottest Lyrics with Videos
7fda8460e3a42d1bb74ada2a0c5ce2de

check amazon for Araw-araw mp3 download
these lyrics are submitted by BURKUL4

Record Label(s): WM Philippines
Official lyrics by

Rate Araw-araw by Dello (current rating: N/A)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Meaning to "Araw-araw" song lyrics no entries yet
required
capthca required

Characters count
: min. 50 characters