Pers Lab Jam

COOKY CHUA


Gising Na Kaibigan Ko Lyrics

Nakita mo na ba ang mga bagay
Na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga bagay
Na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

May mga taong bulag
Kahit dilat ang mata
May mga taong tinatalian
Sariling kamay at paa
Problema'y tinatalikdan
Salamin sa mata'y hindi makita

Kay sarap ng umaga
Lalo na't kung ika'y gising
Tanghali'y maligaya
Kung ika'y may makakain
Ang gabi ay mapayapa
Kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago
Kailan ka pa matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat patungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay ganda ng buhay sa mundo

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan papunta

Hottest Lyrics with Videos
b8045eb5c59ef0c58488b38bc5845a02

check amazon for Gising Na Kaibigan Ko mp3 download
these lyrics are submitted by BURKUL4

Official lyrics by

Rate Gising Na Kaibigan Ko by Cooky Chua (current rating: 7.58)
12345678910
Meaning to "Gising Na Kaibigan Ko" song lyrics
captcha
Characters count : / 50
Latest Posts